Pinatatanggal ni Albay 2nd District Representative at Chairman ng House Committee on Ways and Means Joey Salceda sa requirements ng mga maga-apply sa trabaho ang police at NBI clearance.
Ayon kay Salceda, sa halip na ilagay sa mga ordinaryong mamamayan ang “hassle and expense of clearances” pati na rin ang panganib ng data breach, ay gawin na lamang normal ang due diligence sa mga employer.
Sa totoo lang aniya ay hindi dapat nasa negosyo ng PNP at iba pang law enforcement agencies ang pag-iimbak ng personal data ng publiko.
Sa katunayan ani Salceda, ay nakaka-distract lamang ito sa kanilang law enforcement functions.
Kung kaya’t binigyang diin ng mambabatas na wala talagang saysay na hilingin sa mga naghahanap ng trabaho na magsumite ng mga clearance, dahil bukod sa mga gastos na kaakibat nito, ay isa rin itong pag-aaksaya ng oras para sa mga employer. —sa panulat ni Jam Tarrayo