dzme1530.ph

NBA no. 1 draft pick Victor Wembanyama, hindi maglalaro sa FIBA World Cup

Inanunsyo ng NBA no. 1 draft pick na si Victor Wembanyama na hindi muna ito maglalaro sa France National Team para sa FIBA World Cup.

Sa halip, nais ng manlalaro na ituon ang sarili sa paghahanda bilang rookie player ng San Antonio Spurs at Paris Olympics sa susunod na taon.

Iginiiy ni Wembanyama na sarili niya itong desisyon matapos konsultahin ang kasamahan sa koponan.

Gayunpaman, plano ni Wembanyama na maglaro sa ilang Summer League ng Spurs sa Hulyo. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author