Malaya si Navotas Representative Toby Tiangco na magpanukala ng pagbabago sa internal rules ng Kamara de Representantes para sa ikagaganda ng institusyon.
Ito ang tugon ni House Spokesperson Atty. Princess Abante, kasunod ng pahayag ni Tiangco na magiging “independent” siya ngayong 20th Congress.
Isa sa mga tinukoy ni Tiangco na ugat umano ng budget insertion ay ang small committee na binubuo matapos ang second reading ng taunang pambansang budget.
Paliwanag ni Abante, matagal nang mambabatas si Tiangco at alam nitong layunin ng small committee ang i-consolidate ang lahat ng proposed amendments ng mga kongresista sa budget.
Kung sa tingin ni Tiangco ay hindi na epektibo ang tradisyong ito, ani Abante, maaari siyang magmungkahi ng bagong guidelines sa ngalan ng good governance.
Mariin ding itinanggi ng House Spokesperson ang akusasyon ni Tiangco na kontrolado ni House Speaker Martin Romualdez ang pondo para sa mga social program gaya ng AKAP at AICS.