dzme1530.ph

Natuklasang ghost projects sa Bulacan, ‘tip of the iceberg’ o maliit na bahagi pa lang ng kabuuan

Loading

Maliit na bahagi pa lamang ng mas malaking katiwalian ang natuklasang ghost projects sa lalawigan ng Bulacan.

Ito ang iginiit ni Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada sa gitna ng mga alegasyon ng guni-guning flood control projects sa lalawigan kasabay ng pagsasabing malaki ang tiyansang marami pa silang madidiskubre sa mga susunod na pagdinig.

Iginiit ng senador na dapat maimbestigahan din ang iba pang lugar dahil posibleng may mga lalawigan na nabagsakan ng pondo na hindi naman binabaha.

Naniniwala rin si Estrada na posibleng tumagal pa ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sa lawak ng anomalya.

Sinabi pa ni Estrada na hindi malayong may mga taga-gobyerno ang sangkot sa maanomalyang mga proyekto at maaari namang sabihin ng contractor kung sino ang mga pulitikong kanilang binibigyan.

About The Author