dzme1530.ph

NATO, dinipensahan ang pagsasanay ang Ukrainian forces sa paggamit ng F-16 fighter jets

Dumipensa ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa pagsasanay nila ng mga Ukrainian para maging piloto ng F-16 fighter jets.

Paliwanag ni NATO Secretary-General Jens Stoltenberg, hindi nangangahulugan na ang organisasyon at mga kaalyadong bansa ay bahagi na ng kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Aniya, ang paggamit ng Ukraine sa naturang fighter jets ay bahagi ng karapatan nila na ipagtanggol ang kanilang bansa, alinsunod sa United Nations charter.

Matatandaang inaprubahan ni US President Joe Biden at Group of Seven leaders (G7) ang pag-training sa mga Ukrainian pilots sa paggamit ng ibibigay nilang F-16 fighter jets. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author