dzme1530.ph

NATIONWIDE ROLLOUT NG FUEL SUBSIDY SA IBA PANG SEKTOR NG TRANSPORTASYON, SISIMULAN SA APRIL 6

Loading

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sisimulan na ang nationwide rollout ng fuel subsidies para sa iba pang sektor ng transportasyon sa April 6.
 
Ito ay upang matulungan ang mga miyembro ng transport sector na makaagapay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
 
Sinabi ng Pangulo na umabot sa halos 100,000 na tricycle drivers ang unang nabigyan ng subsidiya noong March 20.
 
Sunod naman anyang tatanggap ang iba pang sektor ng transportasyon.
 
Tiniyak din ng Pangulo na inihahanda na ang fuel subsidies sa mga mangingisda at magsasaka.
 
Katunayan ay nagdagdag na rin aniya sila ng 50 million pesos na pondo para sa regional field offices upang matulungan ang mga magsasaka at mangingisda.

About The Author