dzme1530.ph

National Simultaneous Earthquake Drill, itinakda sa Marso 9

Inanunsyo ng Office of Civil Defense na magsasagawa ng National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa March 9 upang maihanda ang publiko sa posibleng pagtama ng malakas na lindol o tinatawag na “The Big One” sa bansa.
Ayon kay OCD Joint Information Center Head Diego Mariano, isasagawa ang NSED Quarterly o kada ikatlong buwan, at ang first leg ngayong taon ay sisimulan sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.
Bukod sa Duck, Cover, and Hold, sinabi ni Mariano na magsasagawa rin ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng Tabletop Exercise para sa decision-making scenarios sakaling dumating ang malakas na pagyanig.
Matapos tumama ang Magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria noong February 6 ay inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority na pinaghahandaan nito ang The Big One sa pamamagitan ng pagbibigay ng seminars at lectures sa disaster preparedness at pag-o-organisa ng posibleng deployment ng urban search at rescue teams.
Una nang nag-deploy ang Pilipinas ng 82-man Inter-Agency Humanitarian Contingent sa Turkey para tumulong sa mga team mula sa buong mundo sa pagbibigay ng assistance at maghanap ng survivors ng lindol.
Nakatakda namang bumalik sa bansa ang Philippine Humanitarian Contingent sa March 1, araw ng Miyerkules.

About The Author