dzme1530.ph

National Security Council, inirekomendang i-convene upang talakayin ang epekto ng POGO sa national security

Inirekomenda ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang pag-convene ng National Security Council upang talakayin ang banta sa national security ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ito ang kinumpirma ni Committee Chairperson Risa Hontiveros matapos ang executive session kaugnay sa iniimbestigahang POGO hub sa Bamban, Tarlac.

Sinabi ni Hontiveros na mabibigat ang concern ng government agencies lalo na’t nasubaybayan nila ang buong imbestigasyon.

Wala rin anyang lumabas sa executive session na magpapatunay na Filipino si Mayor Alice Guo.

Matapos anya ang executive session ay magsasagawa pa sila ng briefing kasama ang Anti Money Laundering Council upang talakayin ang isyu ng illegal revenue streams at saka magsasagawa ng public hearing.

About The Author