![]()
Tiniyak ni National Security Adviser Eduardo Año sa publiko na hindi madadamay ang bansa sa gulo sa Middle East.
Sinabi ni Año na hindi rin aabot sa Pilipinas ang missiles ng Iran.
Paliwanag ng kalihim, mahigit 7,000 kilometers ang layo ng Pilipinas mula sa Iran, habang ang missiles ay may range lamang na 2,500 kilometers.
Idinagdag pa ni Año na ang mga ineeksperimento ngayon na aabot sa 4,000 kilometers ay hindi pa rin perpekto.
Binigyang-diin ng National Security Adviser na walang dapat ipag-alala, at ang kailangan lamang ay magtulong-tulong upang hindi maapektuhan ang bansa sa ekonomiya.
Una rin, aniya, dapat isipin ang kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers sa Middle East.
