dzme1530.ph

National Irrigation Administration, ginisa ng Senado sa mga palpak na proyekto

Muling sinermunan ni Senador Raffy Tulfo ang National Irrigation Administration (NIA) sa hinihingi nilang pondo para sa susunod na taon kaugnay sa ilan nitong hindi nakumpletong proyekto.

Sinisisi kasi ni Tulfo ang NIA sa hindi sapat na suplay ng bigas dahil sa hindi maayos na trabaho sa mga irigasyon kaya’t kapos ang ani ng palay ng mga magsasaka.

Sa halip anya na gawin ng ahensya nang maayos ang kanilang trabaho ay kinukurakot ang budget ng ahensya.

Pinagalitan din ni Senador Cynthia Villar ang NIA sa magulong paglalatag ng budget report nito partikular na ang pagsasama-sama ang Maintenance and Other Operating Expenses at personnel services bunsod ng pagsunod sa kagustuhan ng Department of Budget and Management.

Sinabi ni Villar na hindi dapat sundin ng NIA ang DBM dahil mas mahalagang maging malinaw ang budget report.

Sa pagdinig din ng Senate Committee Finance sa proposed P31.2-B budget ng NIA, partikular na tinanong ni Tulfo ang hinginging pondo para sa feasibility study ng mga irrigation projects na ayon kay Villar ay kanya nang ipinatigil.

Marami pang tanong si Tulfo ang hindi masagot nang maayos ng mga opisyal ng NIA kaya’t iginiit nito na idefer muna ang pag-aapruba sa proposed budget ng ahensya. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author