dzme1530.ph

National interest ng PH unahin, China, huwag intindihin —Rep. Rodriguez

Hinimok ni Cagayan de Oro City 2nd. Dist. Rep. Rufus Rodriguez si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pirmahan na ang Philippine Maritime Zones Bill (PMZB) na magpapalakas sa stand ng bansa laban sa agresibong ginagawa ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Rodriguez, patitibayin lalo nito ang assertion ng bansa sa maritime at sovereign rights sa WPS at sa Exclusive Economic Zone.

Tiniyak ng kongresista na ang PMZ Bill ay nakasunod sa tinatadhana ng international laws, agreements at conventions, kabilang na ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at 2016 arbitral ruling na pumabor sa Pilipinas.

Ayon sa UNCLOS, malaya ang mga bansa na magtakda ng kanilang maritime boundaries, kaya kung magiging batas ang PMZB magsisilbi itong framework sa paglutas sa territorial disputes gaya ng pang-aagaw ng China.

Matapang pang sinabi ni Rodriguez, huwag nating intindihin ang sinasabi ng China, ang isipin natin ay ating national interest.

About The Author