Hinikayat ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), kasama ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan, ang publiko na makiisa sa sabayang flag ceremony sa buong bansa sa May 28, araw ng Martes, sa ganap na ika-8 ng umaga.
Ang simultaneous flag ceremony ay isasagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Flag Days na tatagal hanggang sa June 12 o Araw ng Kalayaan.
Hinimok din ang mga paaralan, opisina at iba pang mga establisimyento na makiisa sa sabayang pagtataas ng pambansang watawat at pag-awit ng Lupang Hinirang.
Ang umpisa ng flag days ay ipinagdiriwang tuwing Mayo 28, dahil ito ang araw nang itaas ang watawat ng Pilipinas matapos ang matagumpay na Battle of Alapan sa Cavite noong 1898.