dzme1530.ph

National dialogue sa divorce, inihirit ng isang mambabatas

Umapela si Davao Del Norte 1st District Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez ng national dialogue hinggil sa usapin ng diborsyo sa Pilipinas.

Iginiit ni Alvarez ang importansya ng diborsyo sa kapakanan ng maraming pamilyang Pilipino, partikular sa mga manggagawa.

Ayon kay Alvarez, dapat kilalanin ang mga karapatan ng Filipino workforce, lalo na ang karapatang wakasan ang “unhappy, abusive, and toxic marriages.”

Paliwanag ng mambabatas, oras na para kilalanin ang katotohanang kasama ang diborsyo sa realidad ng bawat pamilyang Pilipino.

Ani Bebot, ang Pilipinas na lamang ang bansa sa buong mundo, bukod sa Vatican, na nagbabawal pa rin sa diborsyo at aniya malaki ang magiging epekto ng pagpasa sa divorce sa kapakanan at pagiging produktibo ng Filipino workers.

Nabatid na matagal nang isinusulong ni Alvarez ang House Bill 4998, o ang “Absolute Divorce Act of 2022, na naging “In Principle” noong Pebrero 23, 2023. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author