National anti-scam hotline 1326, inilunsad

dzme1530.ph

National anti-scam hotline 1326, inilunsad

Loading

Naglunsad ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center ng hotline number, upang magsilbing sumbungan ng publiko sa oras na makaharap ng deepfakes at scamming activities sa online platform.

Ito’y kasunod ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng CICC at Presidential Communications Office, na layong mapahinto ang pagkalat ng mga mapanira at mapanlinlang na aktibidad at impormasyon sa social media.

Ang ‘Hotline 1326’, ay magsisilbing national anti-scam hotline, bukod sa E-government Philippine app, kung saan maaaring makapag-report ang isang indibidwal.

Maaaring makapag-padala ng link o anumang online material ng kahina-hinala; mali at mapanlinlang na impormasyon sa Hotline 1326.

Katuwang ng CICC at PCO sa pagsuri sa mga reklamo ang Commission on Elections, at Department of Trade and Industry.