Naisapinal na ng gobyerno ang National Action Plan para sa El Niño na tutugon sa mga posibleng epekto ng phenomenon sa bansa.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Spokesperson Director Edgar Posadas, ang plano ay natapos ng El Niño team sa naganap na pagpupulong ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, kahapon, Hulyo a-20.
Kabilang sa napag-usapan hinggil sa action plan ang halaga ng pondo na kakailanganin para sa mga programa na i-iimplementa laban sa epekto ng naturang phenomenon.
Tiniyak naman ni OCD Administrator Usec. Ariel Nepomuceno na mayroong sapat na pondo para sa pagpapatupad ng mga ptoyekto.
Una nang idineklara ng pagasa ang pagsisimula ng El Niño phenomenon noong Hulyo a-4, na posibleng makaapekto sa ilang lugar sa bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho