dzme1530.ph

“Nasaan si VP Sara?” mga kongresista, kinuwestyon ang presensya ng pangalawang pangulo sa gitna ng pagbaha

Loading

Nasaan ang Bise Presidente Sara Duterte-Carpio?

Iyan ang tanong nina La Union Rep. Paolo Ortega at Zambales Rep. Jay Khonghun sa gitna ng pananalasa ng mga bagyo at habagat na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Para sa dalawang kongresista, ang pagiging absent ni VP Sara sa gitna ng national emergency ay sumasalamin umano sa “kawalan ng malasakit at leadership quality.”

Habang abala ang mga rescuer sa pagsagip sa mga pamilyang binaha, nasa ibang bansa umano ang Bise Presidente para sa personal na dahilan.

Ayon kay Ortega, hindi ito ang unang pagkakataon na “missing in action” si VP Sara. Noong July 2024, habang nananalasa ang Bagyong Carina, nagtungo umano ang buong pamilya nito sa Germany upang manood ng concert ni Taylor Swift.

Giit naman ni Khonghun, hindi ito pamumulitika kundi isang pagsusuri sa karakter ng isang lider, na sa gitna ng sakuna, mas nararapat na makita ang presensya at malasakit nito sa taumbayan.

About The Author