dzme1530.ph

Nasa 100 Pilipinong nakatira malapit sa warzone sa Lebanon, hinimok na lumipat sa ligtas na lugar

Nanawagan ang Embahada ng Pilipinas sa nasa 100 Pilipinong nakatira malapit sa warzone sa Lebanon, na lumipat sa ligtas na lugar.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na ang 100 Pinoy ay namamalagi sa southern cities ng Lebanon tulad ng Tyre, Sidon, at Nabatieh, na ilang kilometro lamang ang layo mula sa border ng Israel na sentro ng bakbakan ng Israeli forces at grupong Hezbollah.

Gayunman, sinabi ni de Vega na naka-depende pa rin sa kanilang mga amo kung papayagang lumipat sa ibang lugar ang mga Pinoy.

Samantala, may isa rin umanong Pinay medical worker ang naka-deploy sa United Nations Interim Force in Lebanon, ngunit protektado naman ito ng UN.

Sa ngayon ay wala pa namang Pilipino ang napaulat na nasaktan sa bakbakan sa Lebanon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author