dzme1530.ph

Napolcom, maglalabas ng resolusyon para pagtibayin ang pagtatalaga kay Lt. Gen. Nartatez bilang PNP acting chief

Loading

Maglalabas ang National Police Commission (Napolcom) ng resolusyon na magpapatibay sa appointment ni Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. bilang acting PNP chief.

Sinabi ni Napolcom Vice Chairperson and Executive Officer Rafael Vicente Calinisan na ang ilalabas nilang resolusyon ay upang matiyak na magagamit ni Nartatez ang buong kapangyarihan para pamunuan ang pambansang pulisya.

Ipinaliwanag ni Calinisan na importante ang resolusyon dahil kung officer-in-charge (OIC), limitado lamang sa daily routine functions ng opisina ang magagawa ni Nartatez at walang discretionary power.

Hindi aniya gaya kapag acting chief, maaari nitong gamitin ang buong kapangyarihan sa ilalim ng kanyang diskresyon.

Tinanggal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Police General Nicolas Torre III bilang PNP chief, subalit taglay pa rin nito ang four-star rank dahil aktibo pa ito sa serbisyo.

Si Nartatez naman, na may ranggong police lieutenant general o three-star rank, ay kailangang maghintay kung mag-a-avail ng early retirement si Torre bago maging full-fledged chief PNP, dahil batay sa rules, isa lamang dapat ang may ranggong four-star rank police general.

 

About The Author