dzme1530.ph

Napipintong pagtaas ng passenger fees sa NAIA, binatikos

Binatikos ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang napipintong pagtaas ng passenger fees sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Brosas, wala pang pagbabago na nagagawa sa NAIA ay agad nang isinapubliko ang pagtataas ng singil sa mga pasahero.

Una nito nakupo ng Ramon Ang-led New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) ang maintenance at operations ng premier gateway na magsisimulang i-take over sa September 14.

Dahil diyan, pinaiimbestigahan ni Brosas ang privatization at ang paggawad ng kontrata sa SMC led consorstium kabilang ang rehabilitasyon ng paliparan.

Sa nabuong private-public partnership, nangako ang SMC ng malaking revenue share sa gobyerno sa loob ng labing limang taon.

Hindi pa man ito nangyayari, at wala pang nababago sa paliparan, inanunsyo na ang bagong travel fees sa domestic mula sa ₱200 ay magiging ₱390 na ito, habang sa international travelers mula sa ₱550 at itataas sa ₱950. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author