Iniimbestigahan na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang dahilan nang nangyaring grid disturbance sa Luzon Grid kagabi, October 1.
Ayon sa NGCP, nagkaroon ng problema sa San Jose-Nagsaag 500 kilovolt transmission line 2 at iba pang power plants sa Luzon kung saan nagresulta ito ng automatic load dropping (ALD) sa National Capital Region at ilang kalapit na lalawigan.
Kabilang sa mga naapektuhan ang Cagayan, Kalinga, Apayao, Laguna, Quezon, Batangas, at Camarines Norte.
Naganap ang brown-out dakong 6:45 ng gabi at kaagad namang naibalik bandang 7:33 kagabi. –sa panulat ni Jam Tarrayo