Hinimok ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte, ang mga lokal na pamahalaan na tulungan ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) na i-update ang listahan ng mga Pilipinong edad 80 pataas.
Ayon kay Villafuerte, ang pagkakaroon ng accurate na bilang ng mga Pilipinong edad 60 pataas ay importante sa gobyerno sa ilalim ng enactment ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ng Republict 11982 o ang Act Granting Benefits of Filipino Octogenarians and Nonagenarians.
Bunsod ng naturang batas, ang mga senior citizen na edad-80,85,90,95 ay makakakuha ng P10,000 na cash gift mula sa gobyerno.