dzme1530.ph

Nalalabing kaso laban sa recruiters ni Mary Jane Veloso, inaasahang mabilis nang uusad kapag nakauwi na ang Pinay

Inaasahang mabilis nang uusad ang nalalabing kaso laban sa recruiters ni Mary Jane Veloso, ang Pinay na nasa death row sa Indonesia dahil sa drug trafficking, sa oras na makauwi na ito ng Pilipinas.

Ayon kay Dep’t of Justice Assistant Sec. Mico Clavano, si Veloso ay nagsisilbing isang napakahalagang testigo sa kasong isinampa sa kanyang recruiters, sa Nueva Ecija Regional Trial Court.

Sinabi ni Clavano na kaya tumagal ang kaso ay dahil sa napakabigat na proseso kung saan kailangan pang ipadala sa Indonesia ang isang team kabilang ang mismong judge at prosecutors, upang makunan ng testimonya si Veloso.

Gayunman, magiging kombinyente umano at inaasahang bibilis ang kaso kung nasa Pilipinas na mismo si veloso.

Posible rin umanong personal na makadalo si Veloso bilang testigo sa mga pagdinig ng Korte, sa pamamagitan ng request mula sa DOJ o paglalabas ng court order. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author