Nasabat ng Philippine National Police (PNP) ang mga baterya na ninakaw sa mga telco cell site na nagkakahalaga ng P14-M sa Bacolod City.
Ayon sa Negros Oriental Police Provincial Office, sa pagtutulungan ng Tracker Team ng PNP narekover ang mamahaling baterya sa isang junk shop kung saan dito ibinebenta ng mga kawatan.
Naaresto naman ang mga kawatan na sina Erwin Concepcion, 30 anyos; Romelyn Quiatchon, 26 anyos; at Joseph Villanueva, kasama rin naaresto ang may-ari ng junk shop at surplus shop nasi Dennis Coo Jr.
Kasong theft ang kakaharapin ng mga suspek habang violation ng anti-fencing law ang ikakaso sa may-ari ng junk shop. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News