dzme1530.ph

Nakakulong na POGO personality na si Tony Yang, isinugod sa ospital

Loading

Isinugod sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig ang nakakulong POGO personality na si Tony Yang, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Si Tony o Yang Jian Xin, na kapatid ng dating economic adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang, ay dinala sa ospital makaraang dumaing ng paninikip ng dibdib.

Nagpakita rin umano ang Chinese national na inakusahan nagpopondo sa POGOs, sa on-duty PAOCC personnel ng panyo nito na mayroong dugo.

Na-diagnose ng mga doktor na mayroon itong Tuberculosis with chronic obstructive pulmonary disease.

Pagkatapos namang gamutin ay agad na-discharge sa ospital si Yang at ibinalik sa kustodiya ng PAOCC.

About The Author