dzme1530.ph

NAKAAMBANG TAAS-PASAHE, KINUMPIRMA NG DOTR CHIEF

Loading

Kinumpirma ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na magkakaroon ng taas-pasahe sa gitna ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.

Gayunman, kailangang pang “ire-compute” ng transportation agencies ang pinal na halaga ng dagdag singil sa pasahe.

Sinabi ni Lopez na bagaman may nakabinbing petisyon at may naisumiteng rekomendasyon, kailangang ulitin ang computation dahil mukhang tugma sa sitwasyon.

Inihayag ng kalihim na isusumite muli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang rekomendasyon ngayong linggo.

About The Author