dzme1530.ph

Naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, patuloy sa pagbaba

Bumaba pa sa 185 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, kahapon.

Sa datos ng DOH, umabot na sa 4,172,577 ang total COVID-19 cases habang nasa 4,708 ang aktibong kaso.

Pito naman ang naitalang nsawi kahapon dahilan para umakyat sa 66,571 ang death toll.

Samantala, nasa 4,101,298 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, batay sa projection ng kanilang grupo, posibleng bumaba sa 150 hanggang 200 ang new COVID-19 cases ngayong araw, July 29, 2023. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author