Tumaas ang bilang ng naitatalang suicide related calls at incidents sa bansa.
Sa datos na inilabas ng National Center for Mental Health (NCMH), aabot sa 5,200 suicide related calls ang kanilang natanggap noong 2021.
Kumpara sa mahigit 2,900 suicide related calls na kanilang natanggap noong 2020 at 700 calls noong 2019.
Bukod pa dito, dumoble rin ang naitalang suicide incidents sa Pilipinas nang makapagtala ng 2,810 noong 2019 at sumampa pa sa 4,400 ng sumunod na taon. —sa panulat ni Jam Tarrayo