dzme1530.ph

NAIPAMAHAGING CASH AID NG DSWD SA MGA PUV DRIVERS, UMABOT NA SA P1.28 BILLION

Loading

Umaabot na sa 1.28 billion pesos ang naipamahaging cash assistance ng Department of Social Welfare and Development sa mga public utility vehicle drivers sa Metro Manila.

 

Katumbas ito ng 256,040 drivers na nabigyan ng 5,000 pesos na cash aid sa National Capital Region.

 

Kabilang sa mga benepisyaryo ang 102,824 na tricycle drivers; 22,937 na TNVS drivers; 22,031 na jeepney drivers; 86,268 service delivery riders; at 21,980 motorcycle taxi drivers.

 

Nagsimula ang payout noong March 17 at inaasahang sisimulan ang pamamahagi ng tulong sa labas ng Metro Manila matapos ang Semana Santa.

About The Author