dzme1530.ph

NAIA T3, muli na namang nakaranas ng power outage

Nahaharap na naman sa panibagong kontrobersiya ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos muling mawalan ng supply ng kuryente ang buong terminal 3, kanina tanghali.

Sa impormasyon 12:15 ng tanghali nagsimula ang brownout kung saan nagdulot ito ng mahabang pila ng mga pasahero sa immigration counter at domestic flight.

Bandang 12:30 ng tanghali gumamit ng generator ang MIAA ngunit limitado lamang ito sa mga pasilidad ng NAIA 3.

Ilan sa mga reklamo ng mga pasahero ang sobrang init at kawalan ng medical team sa terminal sakaling may himataying pasahero.

Dakong 1:29 na ng hapon nang maibalik ang suplay ng kuryente gayundin ang operasyon ng NAIA terminal 3.

Wala pang impormasyon ang pamunuan ng MIAA ganun din ang ilang airlines kung may mga flights na naapektuhan ng power outage sa naturang terminal. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author