Welcome kay House Speaker Martin Romualdez ang signing ng P170.6-Billion Public-Private Partnership (PPP) concession agreement para sa rehabilitation at operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Si Romualdez kasama si Pang. Bongbong Marcos, Jr., at Exec. Sec. Lucas Bersamin ay saksi sa signing ng PPP agreement sa palasyo ng Malacañang sa pagitan nina Department of Transportation Sec. Jaime Bautista, Manila Int’l Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Jose Ines at San Miguel Corporation President at CEO Ramon Ang.
Aniya, ang “momentous occasion” ay simula ng new era of progress at efficiency sa NAIA.
Ang PPP agrement ang mag-aangat umano sa Pambansang Paliparan bilang gateway ng Pilipinas sa pagiging “world-class standard.”
Nangako rin si Romualdez na ibibigay ang buong suporta sa proyektong ito, para matiyak ang tagumpay ng tinawag nitong transformative project.
Ang SMC-SAP & Co. Consortium ay binubuo ng San Miguel Holdings Corp., RMM Asian Logistics, Inc. RLW Aviation Dev’t, Inc., at Incheon Int’l Airport.
Ang consortium na ito ay nag-offer ng 82.16% revenue share sa gobyerno na biggest for sa kasaysayan.