dzme1530.ph

NAIA pinaniniwalaang magiging world-class –Senador

Kumpiyansa si Senador Grace Poe na magiging world-class na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang malagdaan na ang Public Partnership Agreement (PPA) para sa rehabilitasyon ng paliparan.

Ayon kay Poe, masaya siya na reputable ang kumpanya tulad ng San Miguel Corporation kasama ang mga lider sa airport industry mula sa Korea ang magsasagawa ng rehabilitasyon sa NAIA.

Kaya naman inaasahan na magagawa nila na maging world -class ang NAIA bagay dahil ito ang  nararapat na paliparan para sa ating mga kababayan.

Isang hakbang anya tungo sa tamang direksyon ang nilagdaang PPA para sa rehabilitasyon ng NAIA.

Idinagdag pa ng senador na hudyat ito sa international community na pinalalakas o pinahuhusay natin ang infrastructure development para maraming mahikayat na invesment sa bansa.

matatandang kamakailan ay may nagreklamong pasahero sa NAIA ukol sa surot at may mga nakunan pang litrato na mga daga sa paliparan.

About The Author