Pinatututukan ni Sen. Grace Poe sa pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kalinisan sa bawat lugar at sulok ng paliparan.
Iginit ni Poe na dapat tiyakin ng NAIA na matatanggal ang lahat ng peste sa loob ng NAIA.
Ito ay kasunod ng nagviral na post sa social media na may malaking daga sa loob ng paliparan kung saan naghihintay ang mga pasahero.
Nababahala si Poe na magbigay ito ng pangamba sa mga pasahero at magdulot ng pagbaba sa turismo.
Umaasa si Poe na walang mangyayaring aberya sa planong rehabilitasyon sa NAIA at mabibigyan na ng positibong experience o karanasan sa paglalakbay ang ating mga kababayan at mga bisita.
Bago ang viral na video ng daga sa NAIA, kumalat din ang larawan ng ilang pasahero na nakaranas ng pangangati at pantal sa balat matapos na kagatin ng surot mula sa ilang rattan at bakal na upuan sa paliparan.