Balik-normal ang air traffic sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng technical issues na naranasan kahapon ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Sa pahayag ng DOTr, nag-resume partially ang operasyon ng paliparan alas-kwatro ng hapon kahapon araw ng linggo at tuluyang naibalik bandang alas-singko ng hapon ang normal na operasyon ng paliparan.
Sa paliwanag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nakaranas ng technical problem ang Air Traffic Management Center bunsod ng power outages bandang alas-dyes ng umaga.
Ang Air Navigation System ay ginagamit ng Aviation Authorities upang ma-monitor ang lokasyon ng mga eroplano at mabantayan ang Traffic Airspace Capacity na pumapasok at lumalabas ng Philippine Airspace.