dzme1530.ph

NAIA at Manila North Harbor, handa sa pagdagsa ng mga pasahero

Nasa 1.2 milyong pasahero ang inaasahang dadagsa sa Ninoy Aquino International Airport para sa Super Long Weekend bunsod ng magkasunod na pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at Undas.

Hanggang kahapon ay normal ang dami ng mga pasaherong patungong probinsya sa Terminal 3, subalit ngayong Biyernes hanggang sa weekend, inaasahan ang bulto ng mga biyahero.

Bunsod nito ay nagdagdag na ng mga counter sa paliparan upang maiwasan ang mahabang pila na matagal nang problema ng mga pasahero.

Samantala, sa Manila North Harbor ay mayroong mga stranded na pasahero dahil may ilang biyahe ng barko na patungong Misamis Occidental ang na-delay bunsod ng operational concern.

Ngayong araw din inaasahan ang mataas na Maritime Traffic kaya 20,000 tauhan ng Philippine Coast Guard ang naka-deploy habang naka-heihtened alert.

—Ulat ni Lea Soriano Rivera, DZME News

About The Author