Malapit nang mangalahati ang bilang ng nai-rehistrong sim card sa bansa sa harap ng pagpapatupad ng mandatory sim registration.
Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), hanggang noong Abril a-23 ay mahigit 82-M sim numbers na ang registered, o 49.31% ng kabuuang 168-M subscribers nationwide.
37-M sa mga nai-rehistro ay mula sa Globe, 39-M sa Smart, at 5-M sa DITO telco.
Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang 90 araw na extension ng sim registration sa sectoral meeting sa malakanyang ngayong araw.
Target ng DICT na mai-rehistro ang pitumpung porsyento ng sim cards sa bansa bago matapos ang extended deadline. —-sa ulat ni Harley Valbuena