dzme1530.ph

Nagkainitang sina Sen. Zubiri at Sen. Cayetano, hindi didisiplinahin ng liderato ng Senado

Hindi didisiplinahin ng liderato ng senado sina Senators Juan Miguel Zubiri at Alan Peter Cayetano.

Ito ay matapos magka-initan ang dalawang senador kaugnay ng resolusyon sa Embo Barangays ng Taguig City.

Sa ambush interview sa Malacañang, inihayag ni Senate President Francis Escudero na nauunawaan niya ang pagiging passionate o dedikado ng mga miyembro ng Kongreso sa kani-kanilang mga adbokasiya.

Kaugnay dito, tao lamang umano ang mga Senador at natural lamang sa kanila na maging emosyonal sa kanilang mga ipinaglalaban.

Sinabi ni Escudero na minsan ay nangyayari talaga ang mga ganitong pagtatalo, ngunit dahil matagal nang magkakilala sina Cayetano at Zubiri, kaagad ding naayos ang gusot ilang minuto lamang matapos ang mainit na diskusyon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author