Nasa Thailand si Junta Chief Min Aung Hlaing ng Myanmar para sa isang Regional Summit.
Sa gitna ito ng krisis na nararanasan ng kanyang bansa bunsod ng malakas na lindol na tumama noong nakaraang Biyernes.
Sa pinakahuling tala ng military government, umakyat na sa 3,085 individuals ang nasawi sa magnitude 7.7 na lindol habang lumobo rin sa 4,715 ang mga nasugatan.
Daan-daang indibidwal pa ang nawawala at inaasahan din na madaragdagan pa ang death toll.
Dumating si min sa Bangkok, kahapon, bisperas ng summit kung saan magtitipon-tipon ang mga lider ng pitong bansa na ang border ay Bay of Bengal.
Ang pagdalo ni Min na unang kinumpirma ng spokesman ng Myanmar Army, ay pambihira dahil ang mga sanctioned leader ay karaniwang ipinagbabawal sa mga kahalintulad na events.