![]()
Dumating na sa Zamboanga City ang passenger vessel na MV Maria Rebecca ng Montenegro Shipping Lines upang pansamantalang magsilbi sa rutang Zamboanga–Lamitan, Basilan.
Ito ay kasunod ng pagkaantala ng biyahe sa naturang ruta matapos masuspinde ang operasyon ng mga passenger vessel ng Aleson Shipping Lines.
Ang barko, na may kapasidad na 522 pasahero, ay inaasahang magpapatuloy ng biyahe upang matiyak na hindi mapuputol ang mahalagang sea transport link sa pagitan ng Zamboanga at Basilan.
Samantala, tiniyak ng MARINA na walang ipatutupad na pagtaas sa pasahe habang nagpapatuloy ang safety inspection at audit sa mga barko ng Aleson Shipping Lines kasunod ng naganap na trahedya sa Basilan.
