dzme1530.ph

Mutual defense treaty sa America, gagamitin na kung mahaharap ang Pilipinas sa “existential threat” —PBBM

Gagamitin na ng Pilipinas ang mutual defense treaty sa America kung mahaharap ito sa “existential threat” o banta sa existence ng bansa.

Sa interview sa US TV network na Bloomberg, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na patuloy na lumalala ang banta sa South China Sea, kaya’t kailangang mas paigtingin pa ang pag-depensa sa teritoryo ng Pilipinas.

Sinabi pa ni Marcos na solido ang suporta ng America sa lahat ng aspeto, at ipinapakita nito ang pagiging seryoso sa mga kasunduan.

Gayunman, iginiit ni Marcos na mapanganib kung kaagad tatakbo ang Pilipinas kay “big brother” kapag may problema.

Nanindigan din ang Pangulo na hindi ang Pilipinas ang nagsisimula ng tensyon, at hangga’t maaari ay iniiwasan nito ang giyera at ang paggamit sa MDT, sa ngalan ng kapayapaan.

Ito umano ang dahilan kaya’t sinisikap na mapanatiling kontrolado ang sitwasyon kaakibat ng pagpapatuloy ng mga dayalogo.

About The Author