dzme1530.ph

Murder complaints laban kay NegOr Cong. Teves, inihain ng PNP-CIDG sa DOJ

Sinampahan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ng tatlong murder complaints sa Department of Justice si Negros Oriental Representative Arnie Teves dahil sa umano’y pagiging mastermind ng mga pagpaslang noong 2019.

Ayon kay Atty. Levito Baligod, legal counsel ng complainant, ang tatlong counts ng murder ay inihain laban kay Teves at sa limang iba pang respondents bunsod ng paglabag sa Article 248 ng Revised Penal Code.

Sinabi ni Baligod na ang kanilang testigo ay mismo umanong mga salarin na ipinatawag ni Teves at inutusang patayin ang mga biktima.

Idinagdag ng abogado na ang assasination team umano na binubuo ng tatlo katao ay pumaslang ng 12 indibidwal.

Isiniwalat din aniya ng mga salarin na mayroon silang regular na trabaho, at isa sa kanila ay  nagtrabaho kay Teves sa loob ng 12 taon.

Nilinaw naman ni Baligod na bago pa man ang pamamaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong Sabado ay nakikipag-usap na sila sa mga testigo.

Una nang itinanggi ng kongresista na wala silang kinalaman ng kapatid niyang si Henry sa pagpatay kay Degamo sa mismong bahay ng gobernador at sa harap ng maraming tao.

About The Author