Pumasa na sa second reading ang kontrobersiyal na Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension System na nakapaloob sa House Bill No. 8969.
Matatandaang personal na inatasan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang Kongreso na i-prayoridad ang pag-aaral at pagpapatibay ng MUP Pension System Reform Bill.
Sa inaprubahang House version, inalis na ang probisyon para sa “mandatory contribution” maliban na lamang sa mga bagong papasok sa serbisyo o new entrant.
Ilan sa mahalagang probisyon ng HB 8969 ay ang 57- years old mandatory age of retirement sa mga sundalo at pulis at iba pang uniformed personnel, at ang guaranteed 3% increase sa sweldo taun-taon ng lahat ng MUPs sa loob ng 10-taon.
Itatatag din ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Trust Fund at Uniformed Personnel Services Trust Fund. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News