dzme1530.ph

Mungkahing pagbabawas ng taripa sa imported na bigas sa harap ng mataas na inflation, muling ipinalutang ng NEDA

Muling ipinalutang ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mungkahing pagbabawas ng taripa sa imported na bigas, sa harap ng naitalang 6.1% inflation rate para sa buwan ng Setyembre.

Ito ay kahit na tinanggihan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nasabing proposal kung saan mula sa kasalukuyang 35% ay ibaba sa 0% hanggang 10% ang taripa sa imported rice.

Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, maaring muling buhayin ang proposed tariff cut kung patuloy na tataas ang global prices ng bigas sa harap ng epekto ng El Niño o matinding tagtuyot, at rice export bans ng mga pangunahing rice-exporting countries.

Kasabay nito’y ini-rekomenda na rin ang pagpapalawig ng mas mababang tariff rate sa bigas para sa “most favored nations” sa ilalim ng Executive Order no. 10, upang masiguro umano ang mabilis at sapat na importasyon.

Tiniyak naman ng NEDA na aktibong mino-monitor ng Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook ang sitwasyon sa demand at supply ng mga pangunahing bilihin, para sa pagbuo ng mga naaayong rekomendasyon at polisiya. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author