dzme1530.ph

Mungkahi na ilipat ang Philhealth sa kontrol ng OP mula sa DOH, aprubado ni Cong. Salceda

Aprubado na ni Ways and Means panel chairman Cong. Joey Salceda ang mungkahi na ilipat sa control ng Office of the President (OP) ang Philhealth mula sa Department of Health.

Ayon kay Salceda, maganda ang proposal na ito ni Health Sec. Ted Herbosa bilang paunang hakbang sa pagsusulong ng reporma sa Philhealth.

Maaari umanong konsultahin ng Pangulo ang finance secretary kung paano hahawakan ang pondo ng Philhealth bilang social insurance agency at hindi isang hospital.

Sa ganitong paraan gaganda umano ang financial governance at investment management ng Philhealth na siyang pangunahing katuwang ng pamahalaan sa pagtataguyod ng public health.

Sa panig ng Kongreso tiniyak ni Salceda na patuloy silang magtatrabaho para maitaguyod ang nararapat na reporma sa Philhealth. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author