dzme1530.ph

Mundong ginagalawan ni Pastor Quiboloy, patuloy na lumiliit —Senador

Naniniwala si Sen. Risa Hontiveros na patuloy na lumiliit ang mundong ginagalawan ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ay sa gitna ng dagdag na warrant of arrest na ipinalabas ng korte laban sa lider ng Kingdom of Jesus Christ.

Bukod sa arrest order ng Senado, may iniisyu na din na warrant of arrest ang korte sa Davao dahil sa kaso ng pang-aabuso at ang Pasig City Regional Trial Court dahil sa kasong human trafficking na isang non bailable offense

Sinabi ng senador na kumikilos na ang iba’t ibang law enforcement agencies at gumagalaw na halos lahat ng mga institusyon sa bansa kaya’t kumpiyansa siyang nalalapit na ang araw na maaaresto si Quiboloy.

Sa kabila aniya ng mga aksyon ng pastor para takasan ang obligasyon sa batas, sa ngayon ay gumagalaw na ang batas upang papanagutin ito.

Bukod anya sa legislative department, kumikilos na din hudikatura at ehekutibo upang mapapanagot ang Pastor.

Bukod dito, maaari na ring malagay sa red list ng Interpol si Quiboloy dahil napa-unseal na ang warrant sa isang korte sa California, USA para sa tatlong mabibigat na kaso.

About The Author