dzme1530.ph

Muling pagsuri sa Rice Tariffication Law, sinimulan na sa Kamara

Sinimulan nang talakayin ng House Committee on Agriculture ang pag-amyenda sa Republic Act 11203 o mas kilala bilang Rice Tariffication.

Aminado si Committee on Agriculture and Food Chairman at Quezon 1st District Congressman Wilfrido Mark McCormick Enverga na maganda ang layunin ng batas para tulungan ang mga magsasaka subalit hindi pa rin nawawala ang pagdududa dahilan sa kasalukuyang presyo ng bigas sa merkado.

Sa briefing ng Department of Agriculture (DA) sa komite, pag-aaralan ng Kongreso kung epektibo pa ba o kailangan nang ayusin ang probisyon ng batas.

Maging si DA Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. ay suportado rin ang pag-amyenda sa batas.

Mungkahi naman ni DA Undersecretary for Rice Industry Development Christopher Morales, i-modify ang import regulation with exemption salig sa Republic Act 8800 o ang Safeguard Measures Act.

Napapanahon ito sa paglalabas ng lalo na tuwing harvest season, pagpapalakas sa function ng Bureau of Plant Industry, additional power sa DA secretary na mag-angkat ng bigas batay sa ispesipikong kondisyon para matiyak ang buffer stock.

Tamang timing sa paglalabas ng Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) lalo tuwing harvest season, pagpapalakas sa function ng Bureau of Plant Industry, additional power sa DA Secretary na mag-angkat ng bigas batay sa specify condition para matiyak ang buffer stock.

Handa ring palawigin ng DA ang implementasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF hangang 2030.

About The Author