Tinawag na fake news nina Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson at Senate Majority Leader “Migz” Zubiri ang ulat na magkakaroon ng muling pagpapalit ng liderato sa Senado.
Ayon sa kumalat na impormasyon, si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano umano ang ipapalit kay Senate President Tito Sotto.
Giit ni Lacson, ang pagpapakalat ng maling balita ay panlilinlang at pagtatangkang magdulot ng kalituhan. Aniya, minamaliit nito ang kakayahan ng Senate Majority bloc at nagbabakasakaling may tumalon at pumirma.
Inilarawan pa niya ito bilang malevolent, underhanded, foul, and desperate. Dagdag pa ni Lacson, kung may kantang Achy Breaky Heart, ito naman ay Faky Breaky News.
Samantala, sinabi ni Zubiri na walang katotohanan ang balita. Katunayan, nagkaroon sila ng caucus ngayong araw na dinaluhan ng lahat ng majority members ng Senado.