Itinakda ng Independent Commission for Infrastructures (ICI) sa Oktubre 15, dakong alas-2 ng hapon, ang muling pagharap ng mag-asawang Curlee at Sara Discaya sa tanggapan ng komisyon para sa ikatlong pagdinig.
Ito ang kinumpirma ni ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka, kasunod ng kahilingan ng mag-asawa na ireset ang kanilang pagharap sa pagdinig na nakatakda sana ngayong araw.
Ayon kay Hosaka, pitong araw ang hininging palugit ng mga Discaya upang ma-retrieve ang ilang dokumentong kanilang isusumite sa komisyon.
Tumanggi naman si Hosaka na isapubliko kung anong mga dokumento ang kinakailangang isumite ng mag-asawang Discaya sa ICI.