dzme1530.ph

Muling pagbabago ng school calendar, dapat gawin nang permanente, ayon kay SP Escudero

Dapat maging permanente na ang pagbabago sa school calendar at hindi lamang ibabatay sa lagay ng panahon sa bansa.

Ito ang reaksyon ni Senate President Francis “Chiz” Escudero makaraang aprubahan na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang bagong school calendar para sa School Year 2024-2025 na nagbabalik na sa summer vacation.

Umaasa ang senate leader na permanente na ang desisyon na ibabalik na ang old schol calendar at umaasa siyang naikunsidera ang paparating na La Niña.

Dahil isang rason anya ng pagbabago noon ng school calendar ay ang madalas na bagyo at pagbaha sa pagpasok ng Hunyo, Hulyo at Agosto.

Kasabay nito, iginiit ni Escudero na dapat ipatupad ng bansa ang natutunan nito noong pandemya kung saan nagkaroon tayo ng modular at online learnings.

Ipinaliwanag ng senador na sa panahon ng matinding init at pag-ulan, maaari namang suspindihin ang pisikal na klase subalit tuloy pa rin ang pag-aaral sa pamamagitan ng blended learning.

About The Author