dzme1530.ph

MTRCB, PINAALALAHANAN ANG MGA PUV NA G AT PG FILMS LAMANG ANG IPALABAS NGAYONG SEMANA SANTA

Loading

Pinaalalahanan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga operator ng bus at iba pang public utility vehicles (PUVs) na mga pelikulang may G o General Patronage at PG o Parental Guidance ratings lamang ang kanilang ipalabas.

 

Sa gitna ito ng pag-uwi ng maraming Pilipino sa kani-kanilang probinsya para magbakasyon ngayong Mahal na Araw.

 

Saklaw ng direktiba ang mga operator ng bus, sea vessels, at PUVs na nagpapalabas ng films at series.

 

Ang mga pelikulang rated G ay maaaring panoorin ng lahat ng audience habang ang may PG rating ay nangangailangan ng patnubay ng magulang o nakatatanda bunsod ng ilang partikular na tema.

 

Idinagdag ng LTFRB na magsasagawa sila ng on-site inspections upang matiyak ang pagtatalima ng mga PUV.

About The Author