dzme1530.ph

MTRCB, nagsampa ng kaso laban sa It’s Showtime

Ipinatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang producers ng “It’s Showtime” makaraang makatanggap ng reklamo tungkol sa “concerning scenes” na nagpapakita ng umano’y indecent acts ng hosts na sina Vice Ganda at Ion Perez.

Nagpadala ang MTRCB na pinamumunuan ni Diorella “Lala” Sotto-Antonio ng “Notice to Testify” sa producers ng noontime show, at tinukoy ang gesture ng celebrity couple sa “Isip Bata” segment sa episode noong July 25.

Sa assailed segment, mayroong sweet moment ang dalawa, kung saan inalok ni Ion si Vice ng cake sa pamamagitan ng kanyang daliri.

Hindi nakaligtas ang ginawa ng dalawa sa internet personality na si Rendon Labador na nagsabing “out of line” ang moment ng celebrity couple dahil nasa show sila ng mga bata, kasabay ng pagkalampag sa MTRCB. —sa panulat ni Lea Soriano

Maaaring larawan ng text Maaaring larawan ng stub ng ticket at text

About The Author